By

James Reid kayakap sa kama ni Vice Ganda

Sharing is caring!

Matagal na palang nakatira si James Reid sa sosyal na bahay ni Vice Ganda? At matagal-tagal na rin niya itong kayakap-yakap sa pagtulog, huh?

At alam ito ni Nadine Lustre na kahit kailan ay hindi nagpakita ng selos sa Unkabogable Star!

Oh, well, before you think very maliciously (eklat!), si James pala na nasa bahay ni Vice at kayakap-yakap nito ay isang throw pillow na isa sa ipinakita ni Vice sa isang video na naglilibot ng kanyang pagkabonggang-bonggang bahay, noh!

Yes, minsan na kaming naimbitahan sa bahay na ito ni Vice located sa isang posh subdivision, pero ang tall order niya noon ay no pictures please.

Pero this time, binuksan na nga niya sa publiko ang ilang bahagi ng kanyang modernong mansion.

Sa video ay makikita siya na nasa kanyang living area na nanonood ng A Second Chance hanggang unti-unti niyang nililibot ang camera sa iba’t ibang bahagi nito.

Ipinakita niya ang kanyang kusina kung saan naroon ang kanyang mga maids of honor na kung tawagin niya ay mga beautiful daughters niya.

Habang lumilibot siya ay iniisa-isa niya ang mga pangalan ng mga kaibigang nagbigay sa kanya ng mga regalo na naka-display sa kanyang bonggaderang residence. Special mention dito ang mga bigay ng fans niya na isang rocking horse.

Ipinakita rin niya ang nakakalulang walk-in closet niya na punumpuno ng signature clothes and shoes.

At ang huli ay ang kanyang bonggang master’s bedroom kung saan naroon nga ang isang throw pillow na picture ni James Reid ang naka-print.

Unkabogable nga siya, devah?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?