648

Oct 24, 2017 @ 15:48

James Reid ‘dry na dry’ ang career

Ang dry season nga sa career ni James Reid ay muling nalagyan ng patubig kaya unti-unti nang umuusbong ito at namumulaklak. Matagal din ngang hinintay ng kanyang mga tagahanga ang makita siya sa widescreen na umaarte dahil tila pinagpahinga muna siya ng Viva Entertainment Inc. matapos ang sunod-sunod nilang proyekto ni Nadine Lustre together.

But this time, hayan na naman siya! Ariba-to-the-highest level uli ang drama ng career niya, huh!

Eh, paano ba naman, sa ginagawa niyang movie ngayon, naks, Sarah Geronimo lang naman ang kasama niya, na isang Pinoy remake nga ng Miss Granny.

Well, marami ang nagsasabi na sana nga raw ang pelikulang ito ay isang perfect vehicle para muling umusbong to-the-max ang movie careers ng dalawa.

Sa huling movies nina Sarah at James, respectively, kasi parehong nakaranas ang dalawa ng kalungkutan base sa box-office returns ng individual movies nila.

But then, ganu’n naman talaga! You win some and you lose some paminsan-minsan, they bounce back ulit!

Kaya, malay natin, itong movie nilang ito ang magsasalba na unexpected na pagtamlay ng kanilang movie careers, devah?

Hindi pa man tapos ni James ang shooting niya with Sarah, start na rin sa first day of training niya sa Pedro Penduko na unang ginampanan ni Ramon Zamora, pero pinasikat ni Janno Gibbs.

Si Matt Evans ang huling gumanap sa fantasy action movie na ito.

Kumpirmadong kasama ni James ang kanyang dyowang si Nadine Lustre, pero mukhang hindi sesentro sa loveteam nila ang kuwento.

Anyway, gagawa na rin ang JaDine ng isang pelikula kung saan muling magtitilian ang kanilang mga tagahanga. Very soon na ‘yan, ha?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?