125

By

James nag-sorry kina Issa, Yassi

Humingi ng tawad si James Reid sa magkapatid na Issa at Yassi Pressman na parehong nadamay sa pakikipaghiwalay niya kay Nadine Lustre.

Tumugon kasi si James sa Instagram post ni Yassi kung saan pinagtanggol niya ang kapatid, na umano’y naging third party sa JaDine, laban sa “magugulong” basher.

“Sorry you girls got dragged into this. There are some messed up people out there,” komento ng aktor-singer ngayong Huwebes, Enero 23, 2020, sa post ni Yassi.

Kahapon nagkomento si Nadine sa nasabing post, kung saan sinabi niyang mahal niya ang magkapatid na Pressman.

“Love u both @yassipressman @pressmanissa 💕,” comment ni Nadine.

Lunes ng gabi, Enero 20, nilabas sa “Tonight with Boy Abunda” ang joint statement nina Nadine at James kung saan sinabi nilang kaya sila naghiwalay ay upang pagtuunan ng pansin ang kanilang mga career at personal growth gayong bata pa sila.

Gayunman, mas pinaniwalaan ng maraming netizen ang kumalat na video ng umano’y halikan at yakapan nina James at Issa sa Digistar PH party sa Aqua Boracay sa Aklan noong Disyembre 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?