116

Jan 2, 2018 @ 18:00
By

James-Nadine malalaos ngayong Year of the Dog

Lalong aalagwa raw, ayon sa psychic na si Nick Nañg, ang KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) loveteam ngayong 2018. Hindi raw mababawasan, kundi madadagdagan pa ang kinang ng KathNiel loveteam.

Pagdating naman sa JaDine (James Reid at Nadine Lustre) loveteam, medyo naalangang magsalita si Nick.

“Medyo mag-stagnate ‘yan.”

Kahit sinasabi ng iba na malakas daw ang bentahan ng malaking concert ng dalawa sa susunod na buwan, hindi pa rin daw niya nakikitang mas bobongga ang JaDine loveteam.

Nilinaw naman ni Nick, na guide lamang ang mga napi-predict niya. Kung ano man daw ang hindi magandang nabanggit niya ay kayang-kaya raw ‘yun kontrahin ng dasal.

Very positive naman daw ang dala ng Year of the Dog, kaya inaasahang mas maraming good kesa sa bad news. (Gorgy Rula)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?