308

By

James, Nadine magkasamang nag-party sa Makati

Muling nabuhayan ang mga fan nina James Reid at Nadine Lustre matapos maispatan ang dalawa na magkasama sa isang bar sa Makati.

Nagkasama umano ang dalawa sa Alamat Filipino Pub & Deli sa Poblacion, Makati nitong Sabado ng gabi matapos nilang ianunsyo ang kanilang hiwalayan sa Tonight With Boy Abunda noong Lunes.

Sa mga video na kinalat ng mga netizen, makikita na nag-krus ang landas ni James at Nadine.

Sey pa ng ilang netizen na tila halatang umiiwas umano si Nadine kay James.

“iniwasan nya si james obviously , it seems na parang bet ni james na ibeso sya pero sumegway si bb nadz,” sey ni @sofiasaveun.

Ngunit sa isang video naman ay makikitang tila sinasayawan ni James si Nadine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?