2,768

Jan 1, 2020 @ 22:46
By

James, Nadine hiwalay na?

Nabuwag na nga ba ang real-life partnership isa sa pinakasikat na love team sa bansa na JaDine?

Ayon sa report ng Pep.ph, nagkahiwalay umano ang dalawa dahil sa ‘irreconcilable differences’ nina James Reid at Nadine Lustre.

Saad pa, umalis na umano sa bahay ni James si Nadine na inaming nagsasama na sa iisang bahay sa Gandang Gabi Vice.

Kapansin-pansin din na huli pang nag-post si James sa social media ng picture nila ni Nadine noon pang Nobyembre nang nakaraang taon.

Ngunit may ilang ebidensya ang mga netizen na nagkita pa ang dalawa noong Bagong Taon.


Marami naman ang nalungkot sa social media dahil sa rumored na hiwalayan ng dalawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?