35

James, may triple-double sa OT win ng Cavs vs Raptors

Sharing is caring!

Nagposte ng 26 points, 13 assists at 11 rebounds si LeBron James para itulak sa panalo sa overtime ang Cleveland Cavaliers kontra Toronto Raptors, 113-112, sa unang laban nila sa Eastern Conference semifinals, Martes ng gabi sa Air Canada Centre.

Dumale rin ng 20 points si JR Smith habang sumahog ng 19 si Kyle Korver para sa Cleveland.

Si DeMar DeRozan ang nanguna sa Raptors sa tinahing 22 points. Katulong niya si Kyle Lowry na rumehistro naman ng 18 points at 10 assists.

Maitatakbo sana ng Toronto ang panalo kung hindi nagmintis ang 3-pointer ni Fred VanVleet, may 3.4 segundo na lang ang natitira sa overtime.

Lalaruin ang Game 2 sa Huwebes (Biyernes sa Pinas) sa Toronto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?