38

Dec 10, 2017 @ 14:56

James may 58 triple-double na; Cavs lusot sa 76ers

Kinolekta ni LeBron James hang kanyang 58th career triple-double kung saan naghabol ang Cleveland Cavaliers sa fourth quarter para talunin ang Philadelphia 76ers 105-98 noong Sabado ng gabi.

Si James ay nagtipon ng 30 points, 13 rebounds at 13 assists para tulungan ang Cavaliers na makabawi sa pagkatalo sa Indiana noong Biyernes para tapusin ang kanilang 13-game winning streak.

Lamang pa ang Philadelpia 96-91 mula sa breakaway dunk ni rookie Ben Simmons subalit nagpakawala ng 14-2 run ang Cavs para agawin ang kalamangan 104-98.

Si James ay may 9 points, seven rebounds at six assists sa fourth quarter para sa kanyang pangatlong triple-double ngayong season.

Parehong may tig-19 points sina Robert Covington at J.J. para sa Philadelphia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?