64

Jul 4, 2022 @ 23:09
By

James inupakan ng Lakers owner

Pinasaringan ni Los Angeles Lakers team owner Jeannie Buss si National Basketball Association star Lebron James sa pamamagitan ng isang matalim na post sa kanyang social media account nitong Linggo.

Hayagan niyang giniit sa Twitter, na sa lahat ng Lakers players, si Kobe Bryant ang pinakamahusay hindi lang sa pagbabasketbol kundi sa pagiging tao rin.

Hindi aniya makasarili si Bryant, ‘di gaya ng ibang basketbolista na mga naging bahagi rin ng koponan.

“I miss KB. He would understand and explain everything that I am not allowed to. Honestly, he was the greatest Laker ever. He understood team over self,” sey ni Buss.

“Meaning your rewards would come if you valued team goals over your own then everything would fall into places. All can reply,” hirit pa niya.

Iba’t ibang reaksyon naman ang natanggap ng tweet.

Karamiha’y sumang-ayon sa tirada ni Buss kay James. Ilan lang ang kumontra.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?