56

Mar 3, 2020 @ 15:04
By

James Harden umebak sa gitna ng laro?

Marami ang nagulantang sa isang larawan kung saan makikitang nakatimbuwang ang Houston Rockets star na si James Harden, at makikita ang mantsa sa bandang pwetan ng shorts nito.

Sa laban ng Houston kontra Boston Celtics noong Linggo, sa halftime ay natumba si Harden, at sa screenshot ng Barstool Sports ay makikita ang mantsa sa shorts kung saan napatanong ang ilang kung ebak ba ang sanhi ng dumi sa damit ni ‘The Beard’,

Noong una ay napaniwala ang mga fan, ngunit sa imbestigasyon ng ilang netizen ay nakumpirmang edited ang nasabing larawan.

Sa nasabing laro, panalo ang Houston, 111-110 sa overtime thriller kung saan nag-ambag ng 21 points, walong assists at apat na rebounds si Harden.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?