25

Mar 23, 2018 @ 17:37
By

James Harden nagliyab sa OT

Apat na quarters na barado ang basket kay James Harden, pagdating ng overtime ay nagliyab para ihatid ang Houston sa 100-96 panalo laban sa Detroit Huwebes ng gabi.

Umiskor si Harden ng 21 points, 10 rito sa overtime sa 72nd NBA 2017-2018 elims game.

“Got to find ways to win games,” anang league leading scorer, hindi nasiraan ng loob pagdating ng OT.

Matamlay na 2 of 16 lang siya sa regulation, huling sablay ang pampanalo sanang tira.

Inilagay ng basket niya ang Houston sa unahan, umagwat 93-90 sa kanyang three-point play kasunod ng basket ni Andre Drummond. Nagdagdag ng tatlo pang free throws 1 minute sa extra period, bumuka sa 98-90 ang Rockets lead sa tip-in ni PJ Tucker 21 seconds na lang.

Nagsalpak si Blake Griffin ng 3-pointer pagkatapos, pero balik sa pito ang lead sa dalawang freebies pa ni Harden. Mintis na si Harden sa dalawa pang free throws pagkatapos ng 3 ni Ish Smith 4.2 tikada na lang, pero kumapit ang Houston para itakbo ang pampitong sunod na panalo.

Angat sa 58-14 ang Rockets, katabla ang 1993-94 championship team sa most wins sa kasaysayan ng prangkisa.

Parehong inaalat sa labas ang magkatunggali, may pinagsamang 71 missed 3-pointers: 12 of 51 ang Houston, 6 of 38 ang Detroit.

Nagdagdag ng 22 points si Eric Gordon para sa Houston, walang Chris Paul dahil sa sore left hamstring.

Tumapos si Griffin ng 21 points, 10 rebounds at 10 assists sa Pistons.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?