50
ABANTE james harden dabog houston nba
Jan 26, 2018 @ 17:42

James Harden nagdabog sa ‘di pagsali kay Paul sa All-Star

Ipinagsisintir ni James Harden ang hindi pagkakasama ng Houston teammate niyang si Chris Paul sa All-Star ngayong taon.

Sa Feb. 18 sa Los Angeles, pang-anim na sunod na season nang lalaro sa midseason extravaganza si Harden. Sa ikalawang sunod na taon, wala sa All-Star si Paul matapos ang siyam na sunod na paglalaro.

“He averages what 19 points and nine assists?” pakli ni Harden pagkatapos ng 104-97 win ng Rockets kontra Dallas Miyerkoles ng gabi. “We’re winning and he’s putting up the numbers, there’s no question.”

Tumabo si Harden ng 25 points at 13 assists kontra Mavericks, silang tatlo nina Paul at Trevor Arriza ay 9 of 10 mula 3-point range sa first quarter lang. Tumapos si Paul ng 12 points, seven rebounds at four assists.

Absent si Paul sa first 14 games dahil sa left knee injury, tatlong laro pang nagpahinga dahil sa strain. Nag-a-average siya ng 18.8 points, 8.8 assists, 5.9 rebounds at 1.9 steals per game.

Nagdagdag pa si Eric Gordon ng 17 points mula 4 of 7 shooting sa labas ng arc para sa Rockets. (VE)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?