60

Jan 27, 2019 @ 18:15
By

James Harden excited na sa pagbabalik ni Chris Paul

Balik aksyon na si Houston Rockets star Chris Paul sa laban nila kontra sa Orlando Magic bukas, Lunes ng umaga. (Manila time)

Matatandaang nagtamo si Paul ng hamstring injury noong nakarang buwan ngunit excited na si reigning MVP James Harden sa pagbabalik ni Paul sa court.

Ayon pa kay Harden, “I’m just happy to see him back on the court. He spent so long working out and trying to get his body healthy and right as well.”

Malaking bagay para sa Rockets ang pagbabalik ni Paul dahil sa leadership, play-making abilities at defensive steals nito para sa kanyang kupunan.

Hindi naman nangangamba si Harden kung hindi na ito lagi ang maging player of game basta’t manalo lang ang kanyang team sa mga susunod na laban nito.

“When guys are healthy, roles are gonna dim down a little bit, but that’s fine. As long as we’re playing well as a team and we’re clicking, we’re good.” dagdag pa ni Harden.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?