51

Jan 2, 2018 @ 16:50

James Harden, aabsent sa Rockets dahil sa injury

Liliban ng dalawang linggo si top gunner James Harden habang nagpapagaling sa tinamo nitong Grade 2 hamstring strain, ayon sa pamunuan ng Houston Rockets.

Natamo niya ito sa kambal na overtime kontra Los Angeles Lakers noong Linggo (Lunes, Manila time) kung saan nagmintis siya sa bukas na layup sa fourth quarter.

Nagtatala ng 32.1 points kada laro si Harden para sa Rockets.

Sasailalim pa sa pagsusuri si Harden kung maaari nang makalaro ulit sa Houston.

Bumalik na sa lineup ng koponan sina Chris Paul at Clint Capela noong Linggo dahil din sa injuries.

Sasabak ang Rockets (26-9) na wala ang kanilang go-to guy kontra Golden State Warriors (29-8) sa Western Conference sa Huwebes at sa Enero 20.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?