332
james-george1
By

James, George ‘buhawi’ sa Lakers

Sharing is caring!

May mabubuo nga kayang panibagong ‘super team’ sa paparating na NBA season?

Hindi ito malayong mangyari base sa naging pahayag ni five-time NBA All-star Paul George nang mainterbyu ng media sa Fornite E3 Pro-Am event sa Banc of California Stadium sa Los Angeles noong Martes (Miyerkoles sa Pilipinas).

Natanong ang 28-anyos na si George kung anong tingin niya kung sakaling makasama ang four-time NBA season MVP na si Lebron James at positibo ang naging tugon nito.

“Yeah, I’m with LeBron every All-Star. Every one of my All-Stars I’ve been teamed with LeBron … I like playing with him,” ani ni George.

Hindi rin pinalampas ng press ang ugong na Los Angeles Lakers ang target ni George sa susunod na season.

“I’m from L.A., I can say I love L.A. because I’m from L.A,” patikim ni George sa media.

Linya rin dito ang nilabas na report ng betting site na Oddsshark, na sinasabing namumuro ang LA Lakers sa susunod na paglalaruan ni Lebron James ayon sa mga mananaya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?