54
James-Davis vs Leonard-George, X’mas gift ng NBA
Aug 3, 2019 @ 17:04
By

James-Davis vs Leonard-George, X’mas gift ng NBA

Bukod sa Noche Buena, Simbang Gabi, bibingka at iba pang inaabangan tuwing Pasko, may iba pang dapat idagdag sa kanilang listahan ang mga Pinoy NBA fan.

Pampainit sa malamig na Christmas season ang sasambulat sa international league, maghaharap ang dalawang LA-based team na Clippers at Lakers buhat ang kanilang bagong bihis na roster.

Saad sa ilang report, maghaharap ang tandem nina LeBron James at Anthony Davis ng Lakers kontra sa last season’s Finals MVP Kawhi Leonard at isa pang MVP candidate na si Paul George.

Ito ang magiging ika-14 laro ni James sa Pasko, dalawa na lang ay mapapantayan na ang record ni Kobe Bryant.

Bukod pa sa Lakers vs Clippers, maghaharap din ang Zion Williamson-led New Orleans Pelicans kontra Denver Nuggets, Boston laban sa defending champs Toronto, Westbrook-Harden tandem sa Houston na haharapin ang rejigged lineup ng Golden State, at panghuli ang Milwaukee sabak kontra Philadelphia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?