10

Sep 19, 2020 @ 17:34
By

James, Davis pinapak ang Nuggets

IPINARAMDAM agad ng Los Angeles lakers ang kanilang lakas matapos dominahin ang Denver Nuggets, 126-114, sa Game 1 ng 2019-2020 NBA Western Conference finals Sabado (Manila time) sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.

Unang panalo ng Lakers sa Game 1 simula nang mag-umpisa ang NBA ‘buble’ playoffs.

Tiniyak ng LAL na hindi na makakahabol ang Nuggets sa second half, matapos nilang makalamang ng 11 points sa unang dalawang periods, 70-59.

Kumayod si Anthony Davis ng 37 points at 10 rebounds para ilista ang 1-0 bentahe ng Lakers sa kanilang best-of-seven series.

Tulad ng inaasahan, hindi napigilan ng Nuggets sina four-time Most Valuable Player (MVP) James at Davis, maging sina center Dwight Howard, Rajon Rondo, Kentavious Caldwell-Pope, Kyle Kuzma at Markief Morris ay nag-ambag sa opensa at depensa.

Tumikada si James ng 15 puntos, 12 assists at anim na rebounds habang 18 at 13 puntos ang inambag nina Caldwell-Pope at Howard ayon sa pagkakasunod.

namuno sa opensa para sa Denver si Nikola Jokic at jamal Murray na may tig 21 markers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?