69

Nov 4, 2019 @ 19:56
By

James, Davis, Howard inutas ang Spurs

Naging tatlo na ang dating maangas na tandem ng Los Angeles Lakers kina LeBron James at Anthony Davis tapos umeksena ni Dwight Howard sa San Antonio.

Kumiskis si Davis ng 25 points at 11 rebounds, triple-double na 21 points, 11 rebounds at 13 assists kay James, at hiniya ng Lakers ang Spurs 103-96 Linggo ng gabi sa 74th NBA 2019-2020.

Throwback naman ang performance ni Howard sa 14 points at 13 rebounds, 7 for 7 mula sa field at 5-1 na ang LA.

“(James and Davis) are going to take most of the scoring bulk, so my job is just to make sure I clean up all the mistakes,” ani Howard, nitong nakaraang season ay mas mahaba pa ang itinagal sa bahay, sa harap ng TV, habang nagpapagaling sa knee injury.

“On the defensive end, be a force, make guys take tough shots and be aggressive.”

Kumayod ng 18 points at 11 rebounds si Dejounte Murray sa Spurs, nagdagdag ng 16 off the bench si Rudy Gay at 14 kay DeMar DeRozan. Laglag sa 4-2 ang San Antonio.

Nag-rally ang Spurs sa fourth quarter at dumikit 87-85 pero diniskaril sila ni Howard na may 10 points, 6 rebounds at 2 blocks sa period.

Sa three-point play ni Murray mula sa foul ni James at kasunod na driving layup ay ibinuhol ng San Antonio ang laro sa 90, 4:10 pa. Sumagot ng 7-0 run ang Lakers huli ang dunk follow ni Howard.

“Dwight Howard was huge,” ani James sa 15-year veteran na sinugalang kunin ng Lakers noong offseason matapos magka-injury si DeMarcus Cousins. “Great performance by him, crashing the glass, catching lobs, getting great strips defensively, giving us extra possessions.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?