ABANTE lebron james mvp nba all star stephen curry

James, Curry angat sa NBA All-Star voting

Sharing is caring!

Nangunguna sina LeBron James ng Cleveland Cavaliers at Stephen Curry ng Golden State Warriors sa NBA All-Star fan voting pagkatapos ng second return.

Si James, 33, ay may 1,622,838 votes para manguna sa Eastern Conference habang si Curry, 29, ay angat sa Western Conference at second overall sa nakalap na 1,369,658 boto.

Nasa likod ni James sa Eastern Conference si Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee na may 1,480,954 boto at pangatlo si Joel Embiid ng Philadelpia na may 784,287 boto.

Nanguna naman sa East guards ang dating teammate ni James na si Kyrie Irving ng Boston Celtics na may 1,370,643 boto na sinundan ni DeMar DeRozan ng Toronto na may 537,168 votes at Philadelphia rookie Ben Simmons na may 397,942.

Nasa likod naman ni Curry ang teammate niyang si Kevin Durant na may 1,326,059 votes habang pumangalawa si Anthony Davis naNew Orleans’ Anthony Davis (664,687) at pangatlo si Draymond Green (616,730).

Sa West guard category, pumangalawa kay Curry si James Harden ng Houston (978,540) at pangatlo ang reigning NBA MVP Russell Westbrook (791,332) ng Oklahoma City Thunder.

Magtatapos ang botohan para sa All-Star game sa Lunes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?