33

Jun 11, 2021 @ 17:56
By

James Corden pinetisyon sa paglait sa balut, iba pang Asian food

Hindi nagustuhan ng ilang netizen ang paglait ni “The Late Late Show” host James Corden at bisitang si Jimmy Kimmel sa Filipino iconic food na balut at iba pang Asian food sa kanyang programa.

Kaya sinimulan ni Kim Saira, mula sa California, ang Change.org petition upang palitan ang mga pagkain na inihahain sa “Spill Your Guts or Fill Your Guts” segment ng “The Late Late Show” o kung hindi man ay tanggalin na ang buong segment.

Sa episode, iprinisenta ni Corden ang balut at iba pang exotic food tulad ng thousand-year-old egg at bull penis na kakainin ni Kimmel kapag tumanggi siyang sagutin ang isang tanong.

“Wow, it all looks so terrible,” usal ni Kimmel, “Doesn’t smell good,” dagdag niya.

Tinawag naman ito ni Corden na “really disgusting” at “horrific”.

Sa interview sa Today, sinabi ni Saira na ang balut ay “very specific to Filipino culture.”

“It’s a food that I have been eating whenever I go to the Philippines with my grandma and my cousins, so it’s a very sentimental food to me, and I noticed that he was presenting it to a guest and calling it gross,” sambit niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?