23

By

James Corden ‘di laging nagda-drive sa ‘Carpool Karaoke’

Nagkaroon umano ng trust issues ang mga tagapanood ng “Carpool Karaoke”–kung saan nagda-drive at kumakanta si “The Late Late Show” host James Corden kasama ang isang celebrity–matapos makitang hinihila lang ang kotse nito ng isang tow truck.


Nakita ni netizen Zoli Honig ang isang Range Rover kung saan nakasakay sina Corden at Justin Bieber nitong Huwebes ng umaga, Enero 23, sa isang bakery sa Los Angeles, California.

“Saw James corden and Justin Bieber filming carpool karaoke and this is why I have trust issues — he isn’t even driving!,” tweet nito kalakip ang video ng paghila sa kotse ng English actor-comedian.

Maraming nagulat, habang may ibang nagpakita ng katibayan na nakita nilang nagda-drive mismo si Corden sa Carpool Karaoke.

Sabi naman sa BuzzFeed News ng CBS, kung saan pinalalabas ang programa, parehong tama ang dalawang panig: minsan, nagda-drive si Corden, minsan naman ay hinihila ang kotse ng tow truck–kapag tingin ng mga producer ay hindi ligtas na mag-drive.

Pabiro ring sinagot ng host ang kontrobersiya, kung saan sinabi niyang hindi sila gumagamit ng totoong kotse.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?