20
views
lebron-james6
By

James, Cavs ganado sa playoffs

Sharing is caring!

Bagong record pa ang nilista ni LeBron James sa kanyang 15-year NBA career, pero tumukod sa home finale ang Cleveland 110-98 laban sa New York Knicks Miyerkoles ng gabi.

Sa unang pagkakataon, walang palya si James sa 82 regular season games, umiskor ng 10 points at may five rebounds sa loob ng 10 minutes, 33 seconds bago nilabas ni coach Tyronn Lue para makapahinga bago ang mas sagarang playoffs.

Pinahaba ni James ang record ng double-digit scoring sa 873 consecutive games.

Tatangkain ng 33-anyos na si James na makarating sa kanyang eighth straight Finals at hahabulin ang pang-apat na titulo.

“We’ve got a chance,” aniya. “We’re one of 16 teams that have a chance to win a championship. That’s all you can ask for.”

Ngayong season ay nag-average si James ng 27.5 points at career-highs na 9.1 assists at 8.6 rebounds. Nilagpasan niya ang 30,000 career points, nag-start sa kanyang 14th straight All-Star game.

Nilampaso ng Philadelphia ang Milwaukee 130-95, No. 4 na ang Cavs sa Eastern Conference playoffs at haharapin sa opening round ang No. 5 Indiana.

Winalis ng Cleveland ang Pacers sa first round noong isang taon, pero 3-1 ang Indiana sa match-up ngayong season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?