49

Oct 8, 2017 @ 12:39

James at Nadine, magpapatalbugan sa ‘Magpasikat…’

Malalaking sorpresa at pagpapasikat ang dala ng It’s Showtime ngayong Oktubre sa inaabangang Magpasikat Week, at Let’s Celebr8. Isang buwang selebrasyon ang magaganap sa kanilang ika-walong anibersaryo.

At ngayon pa lang, mababasa mo na ang pagkasabik ng mga fans sa unang pagsabak nina James Reid at Nadine Lustre, na mapapanood sa October 16-21. Bongga rin ang tagisan ng mga hosts sa paglalaban-laban ng Team Billy, Amy, at James; Team Vice, Jugs, at Teddy; Team Anne, Ryan, at Nadine; Team Vhong, Joey, at Mariel; at Team Jhong at Karylle na siguradong magpapahanga sa mga manonood. Meaning, magkalaban nga ang JaDine ngayon.

Hindi rin magpapahuli sa pagpapakitang gilas ang iba’t ibang Kapamilya stars na naging guest host nila, sa isang naiibang Magpasikat Week, na mapapanood sa October 9-14.

Enggrande rin ang magiging pagtatapos ng Quarter 2 semifinals ng Tawag ng Tanghalan sa October 23-28.

At mas magiging mainit din ang selebrasyon dahil buong buwan makakasama si Bela Padilla bilang host ng programa. (Donon Sermino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?