21

Oct 25, 2021 @ 12:37
By

Jalen Green nagising na! Rockets ligwak pa rin

Lumabas na ang tunay na laro ni Fil-Am guard Jalen Green ngunit ‘di ito sumapat at dumapa ang koponan niyang Houston Rockets kontra Boston Celtics, 107-97, ngayong Lunes (oras sa Pilipinas).

Umiskor lamang si Green ng tig-siyam na puntos sa una nilang dalawang laro ngunit nagising na siya kontra Boston sa kinamadang 30 points, apat na rebounds at tatlong assists.

Gayunman, kapos pa rin ang pagpapakitang-gilas ng 19-anyos sapagkat tinapatan siya ng 31 points, siyam na rebounds at dalawang assist ni Jayson Tatum.

Bukod dito, tatlo pang manlalaro ng Celtics ang umiskor sa double digits, kung saan may tig-18 points sina Dennis Schroeder at Grant Williams, habang 17 points at 10 rebounds para kay Al Horford.

Tinulungan naman ni Christian Wood si Green sa kanyang 20 points at siyam na rebounds.

Ito ang unang panalo ng Boston ngayong season at pareho na sila ng kartada ng Rockets na 1-2. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?