46

Sep 15, 2021 @ 16:48
By

Jalen Green lilipad agad! John Wall lilisanin Houston

Kumpyansa ang Houston Rockets na sumagupa sa mabibigat na koponan sa parating na NBA season armado ng tambalang Jalen Green at Kevin Porter Jr.

Katunayan, napag-usapan na ng Rockets management at ng beteranong point guard na si John Wall na itetrade na nila ang dating number one pick.

Nagkasundo raw ang dalawang panig na hindi maganda para kay Wall ang maging player off the bench.

Bagamat subok na sa pagiging five-time all star, pinutakte ng injuries ang mga huling taon ni Wall sa liga at nag-average ng 20 points at 6.9 assists noong nakaraang taon para sa 40 laro ng Houston.

Lumapag si Wall mula sa Wizards sa trade para kay Russell Westbrook.

Samantala, ang Fil-Am na si Green ang tinututukan ngayon na mangunguna para sa Rockets, kasama ang 20-anyos na si Porter.

Pabata rin ang Rockets dahil sa 25 anyos na big man na si Christian Wood.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?