10

Aug 13, 2020 @ 17:29
By

Jalen excited maging kakampi si Kai

Paniguradong gagawa ng ingay ang tambalan nina Pinoy prodigy Jalen Green at Kai Sotto sa oras na magsimula na ang susunod na season ng NBA G League.

Magkakampi ang dalawa sa binubuong koponan ng developmental program ng NBA, kung saan magiging kasangga rin nina Kai at Jalen ang iba pang young prospect na pangarap makatungtong sa pinakamalaking liga sa buong mundo.

At ayon kay Fil-Am Green, hindi na siya makapaghintay para makasama sa court si ‘Kaiju’.

“I’m looking forward to it. Kai’s a great player. I think he can be good and we’ll be really great together. Other than that, we got to represent the Philippines so it’s gonna be exciting,” saad ng project top pick sa 2021 NBA Draft.

Dati nang nagkita sa hardcourt ang dalawa para sa NBTC National Finals, ngunit naging mortal na magkalaban ang dalawa kung saan giniba ni Green si Kai nang maglaro ito para sa FilAm Sports.

“I talked to him a couple of times in the Philippines, but we’re playing against each other so we don’t really talk that much. But he knows we’re bros off the court,” wika pa ni Green.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?