22

By

Jalandoni, Agcaoili huhulihin lang kung may warrant of arrest

Sharing is caring!

Sa sandaling tumapak muli sa bansa sina National Democratic Front of the Philippines (NDFP) consultant Luis Jalandoni at Fidel Agcaoili ay maaari silang arestuhin.

Ito ang sinabi ni Col. Noel Detoyato, hepe ng Armed Forces of the Philippines – Public Affairs Office, ngunit agad niyang nilinaw na aarestuhin lang ang dalawa kung may warrant of arrest laban sa kanila.

Sinabi pa ni Detoyato na hindi sila ang aaresto sa dalawa, kundi ang PNP.

Ang pahayag na ito ng opisyal ay reaksyon sa sinabi ni PNP Chief Oscar Albayalde na bahala na ang AFP kung paano paghahandaan ang posibleng pagbabalik sa bansa nina Jalandoni at Agcaoili.

Inaasahan na sa susunod na buwan ay uuwi sa Pilipinas sina Jalandoni, senior adviser ng NDFP at Agcaoili, ang chief negotiator ng NDFP, para makipag-usap kay Pangulong.

Mismong si Pangulong Duterte ang nag-anunsiyo na nais ng dalawa na makipag-usap sa kanya ngunit nangangamba ang mga ito na sila ay arestuhin ng awtoridad sa pagbabalik nila sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?