8

Sep 28, 2020 @ 19:48

Jalalon sakrispisyo muna

Magsasakripisyo para sa pamilya kahit mahirap si Magnolia Hotshots Pambansang Manok star Jiovani ‘Jio’ Jalalon sa pagsama sa 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 eliminations sa Clark bubble sa Angeles, Pampanga sa Oktubre 11.

Nag-post nitong Lunes sa Instagram account niya ang 28-year-old, 5-foot-9 point guard ng family picture na may caption na, “Mami-miss ko kayong tatlo, sacrifice muna ako ngayon ahh para sa inyo ‘to.”

Itinigil ang all-Pinoy conference noong Marso dahil sa lockdown na dulot ng Covid-19. Aalis ngayon ang pangalawang batch ng players sa Metro Manila pa-Pampanga habang lumisan kahapon ang first batch. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?