81

Nov 6, 2017 @ 10:45

Jalalon out sa Gilas

Hindi na makakasama si Jio Jalalon sa Gilas Pilipinas squad na sasabak sa FIBA World Cup qualifiers.

Sumailalim sa isang procedure sa kanyang tuhod ang Star Hotshots guard, kaya malabo na itong makalaro sa Gilas.

Sa November 24 na ang umpisa ng FIBA Worlds qualifying.

Ang sigurado ay makakalaro agad siya sa Star sa susunod na season na magsisimula sa Dec. 17.

“May ipinalinis lang sa tuhod and he should be out mga six weeks lang,” paliwanag ni Rene Pardo, kinatawan ng Star sa PBA Board. “Abot na abot before our first game.”

Uumpisahan ng Star ang bagong season sa Pasko laban sa Ginebra sa larong naka-iskedyul sa Philippine Arena.

Samantala, napapirma na ng Star sila Rafi Reavis, Mark Barroca at PJ Simon sa mga bagong contract extensions. Si Paul Lee ay unti-unti nang nakaka-recover­ mula sa isang operasyon sa tuhod.

May ulat na kumuha na daw si coach Chot Reyes ng ipapalit sa babakantehing slot ni Jalalon sa Gilas. Hindi lang makumpirma kung si RJ Jazul na ang tinapik o may iba pa. (Clarence Constantino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?