63

Apr 3, 2020 @ 12:14
By

Jalalon nagbigay ng tulong sa mga walang tirahan

Patuloy ang pagbibigay ng tulong ni Magnolia guard Jio Jalalon ngayong COVID-19 pandemic.

Kung noong nakaraang araw ay nagbigay ito ng pagkain sa mga sundalong tumatayong frontliner, mga homeless naman ang binigyan ng ayuda ng PBA star.

Makikita sa Instagram post ni Jio na ilang pamilya sa kalsada ang inabutan ng supot na may lamang pagkain.

Kasama din sa binigyan ni Jalalon ay isang security guard.

https://www.instagram.com/p/B-ezFI6J2bB/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?