47

By

Jalalon ‘di iti-trade – Pardo

Tinanggi ng isang opisyal ng Magnolia Pambansang Manok ang usap-usapang naghahanap ng trade si Jiovani Jalalon.

Ayon kay Magnolia team governor Rene Pardo, long term at mananatili sa Hotshots ang point guard at, sa katunayan, kapipirma pa lamang nito ng three-year extension contract sa PBA ball club.

“We have recently extended for another three years sa contract with Jio Jalalon, kaya ‘di namin maintindihan na there are rumors that we have plans to trade him,” ani Pardo nitong Lunes sa panayam ng Spin.ph.

Ang kontrata ni Jio ay tulad ng karamihan sa PBA players na mga napanis na nitong nakaraang Agosto 2019. Pero dahil na-extend ang season bunsod sa commitments sa national team, pinahaba pa umano ng koponan ang kontrata upang ma-cover ang overlap.

“The normal practice is you don’t renew a guy. If you offer him for a trade, you let the incoming team do the negotiations. But before our game with Ginebra, he already signed a three-year contract with us,” punto ni Pardo.

Naapektuhan aniya si Jalalon sa lumalabas na rumor na tutungo ang “Bus driver” patungong Barangay Ginebra San Miguel.

“Siyempre bata. Kinausap ko rin, sinabihan ko. Pero kahit ano sabihin mo, may social media ‘yung bata. Kahit fans namin, maraming nagtatanong. I think it’s high time that I mention it already para [malinaw na], once and for all. Negotiations are ongoing to all of the players. Hindi ko plano [ang] labas. We don’t normally do that. I’m taking all that and telling the truth that we have extended him to another three years,” saloobin ni Pardo.

“As of today, there are no negotiations on the table. I’m sure my team manager and my coach will be preparing it to me kung meron because it has to pass through me. As of this day, I can tell you, there are no negotiations on the table involving Jio Jalalon,” wakas niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?