102

Sep 26, 2020 @ 9:55
By

Jake Zyrus pasok sa Emmy Awards

Gumawa ng ingay ang documentary film na base sa buhay ni Jake Zyrus matapos itong makapasok sa mga nominado sa 2020 International Emmy Awards.

Ang docu na ‘Jake and Charice’ ay lalaban sa Arts Programming category, kung saan makakalaban nito ang ‘Refavela’ ng HBO Brasil, ‘Why Do We Dance’ mula UK, at ‘Vertige de la Chute’ ng France.

Ang nasabing dokyu ay dati nang nanalo sa United States International Film and Video Festival matapos itong ilabas noong 2019.

Kwento ito ng naging transition ni Jake Zyrus mula sa pagiging Charice Pempengco.

Malalaman kung masusungkit ba ng naturang documentary ang award sa November 23, na gaganapin sa New York.

View this post on Instagram

Surreal. Thank you @iemmys – It's an honor.

A post shared by Jake (@jakezyrusmusic) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?