102

Oct 8, 2017 @ 12:48

Jake Zyrus, lola at nanay, mga uhaw sa atensiyon, Ang drama niyo, teh!

Confirmed ang mga paratang na ‘dramatista’ ang pamilya ni Charice Pempengco aka Jake Zyrus dahil sa isang eksena na nasaksihan sa concert niya sa Music Museum noong Biyernes, October 6, 2017.

Nanood ng concert ni Jake ang kanyang lola na si Tess Relucio. Bumaba mula sa stage at nilapitan ni Jake ang lola nito nang kantahin niya ang kanyang signature song na Maghintay Ka Lang. Matapos pakantahin ang lola niya, nagkaiyakan ang dalawa.

Inakusahan na dramatista at uhaw sa atensyon si Charice, ang kanyang ina at lola dahil ang hilig-hilig nila na ibuyangyang sa publiko ang sikreto ng kanilang pamilya, magpalitan ng masasakit na salita, magsumbatan mag-iyakan sa harap ng mga TV camera pero sa huli, magkakasundo pa rin sila. (Jojo Gabinete)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?