55

Jun 25, 2022 @ 11:28
By

Jake napa-react: Ivana sakalam sa short hair

Humanga ang mga netizen sa taglay na kagandahan ng vlogger-actress na si Ivana Alawi.

Mapa-long hair o short hair kasi ay bagay na bagay pa rin sa kanyang mukha.

Sa Instagram, ibinahagi ni Ivana ang larawan na kuha sa Metro Magazine.

Dito makikita ang eleganteng postura ng aktres kung saan binagayan niya ito ng maiksing buhok.

Samantala, maging ang co-actor sa palabas na “A Family Affair” na si Jake Ejercito ay napa-komento rin sa post ni Ivana.

“Gwaps,” maiksing pahayag ni Jake sa naturang larawan.

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?