37

Apr 1, 2020 @ 9:45
By

Jake, Kylie nagpakain sa mga ‘tunay na bayani’

Namigay ng pagkain ang showbiz couple na sina Jake Cuenca at Kylie Verzosa sa mga COVID-19 frontliner sa apat na ospital.

Katuwang ang grupong Frontline Feeders Philippines, pinakain nila ang mga kawani sa Makati Medical Center, Medical Center Taguig, Las Piñas General Hospital at Unihealth Parañaque Hospital noong Marso 29.

“Taos puso po kami nagpapasalamat sa inyo sa lahat sakripisyo at serbisyo na binibigay ninyo sa panahon na ito. Magmula sa mga doktor, nurse, security guards at lahat ng tao na nagtratrabaho sa panahon na ito maraming salamat po. pinagdadasalan namin kayo. Kayo ang tunay na mga bayani. 🙏,” sey ni Cuenca sa Instagram.

“To the doctors, nurses, lab technicians, security guards, all the cleaners and maintenance personnels, and to all those who are still working today – from the bottom of my heart thank you so much for all your and service! ❤️,” sambit naman ni Kylie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?