103

Sep 17, 2021 @ 20:56
By

Jake Ejercito tinamaan kay Janine

Tinamaan si Jake Ejercito kay Janine Gutierrez.

Pero hindi sa totoong buhay kundi sa Kapamilya series na “Marry Me, Marry You”.

Sa Facebook post, ibinahagi ni Jake ang mga larawan sa nakakatunaw na titig ng karakter niyang si Cedric kay Camille, na role naman ni Janine.

“Find someone who will look at you the way Cedric looks at Camille,” caption ni Jake.

Bida rin sa teleserye sina Paulo Avelino, Sunshine Dizon, Cherry Pie Picache, Vina Morales at Edu Manzano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?