170

Nov 24, 2021 @ 18:40
By

Jake Ejercito nakipag-bonding sa anak ni Andi, Philmar

Hindi nagpahuli ang younger daughter nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na si Lilo sa birthday celebration ng half-sister na si Ellie kasama ang pamilyang Ejercito sa Siargao.

Sa Instagram story ni Jake Ejercito, makikitang kasama niya sina Ellie at ang anak ng dating kasintahan na si Andi.

Buhat ni Jake si Lilo habang katabi naman nito ang anak sa isang restaurant.

Binisita ni Jake kasama ang pamilya, ang kaniyang anak na si Ellie para i-celebrate ang birthday nito.

Ibinahagi rin ni Jerika Ejercito, kapatid ni Jake, sa kaniyang Instagram account ang mga larawan ng celebration.

Ngacomment naman si Andi at pinasalamatan ito sa pagpapasaya sa anak.

“Yay!!! Awesome!!! Thank you guys for always making her happy!!!” comment ni Andi kay Jerika.

Nagreply naman dito si Jerika at sinabing “worth it” ang pagbisita nito sa Siargao.

“Glad we were able to finally make ito to Siargao and surprise her, totally worth it. Big hugs to Lilo and Koa my kids are obsessed with them,” saad nito.

Si Ellie ay nagpabalik-balik sa Siargao at Metro Manila upang makasama ang kanyang mga magulang na nasa isang co-parenting setup.

Sina Lilo at Koa naman ay mga anak ni Andi sa kasintahang si Philmar Alipayo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?