380

Aug 1, 2020 @ 20:56
By

Jake Ejercito kay Cynthia VIllar: Shut up na!

Para kay Jake Ejercito, mas mabuting manahimik na lang si Senadora Cynthia Villar matapos nitong tablahin ang kahilingan ng mga health worker na ibalik sa enhanced community quarantine ang Metro Manila.

Saad ng dating aktor, hindi man siya pabor sa salitang ‘shut up’, ngunit ito dapat ang gawin ni Villar.

“I never agree with asking or telling people to just shut up, but Cynthia Villar really should,” tweet ng anak ni dating Pangulo Erap Estrada.

Nitong Sabado ay muling nag-trending si Villar matapos siyang banatan sa social media dahil sa sinabing dapat ay mas pagbutihin na lang ng mga medical frontliner ang kanilang trabaho kaysa ilagay uli ang Metro Manila sa striktong lockdown.

“Hindi na siguro (ibabalik sa ECQ), pagbutihin nila trabaho nila (frontliner). ‘Di pwedeng isara ang ekonomiya kasi kung di naman mamamatay sa COVID, mamamatay naman sa gutom ang tao,” lahad ni Villar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?