1,513

Oct 22, 2018 @ 21:07
By

Jake, Diego, Marco, Albie, Joshua patigasan sa Los Bastardos

Limang magkakapatid sa ama ang mag-aagawan ng karapatan para sa mana, kapangyarihan, at pamilya sa panibagong libro ng Precious Hearts Romances Presents, ang ‘Los Bastardos’.

Mapapanood na ito sa ABS-CBN simula Oktubre 15, tampok sina Jake Cuenca, Diego Loyzaga, Marco Gumabao, Albie Casiño, at Joshua Colet.

Hango sa Cardinal Bastards series ng Precious Hearts Romances, ang ‘Los Bastardos’ ay nala-sentro sa pamilya Cardinal na pinangungunahan ni Don Roman Cardinal, na bibigyang buhay ng batikang aktor na si Ronaldo Valdez.

Masayang magsisimula ng pamilya si Don Roman, ngunit isang trahedya ang sisira sa kasiyahang ito. Magmamahal ng apat pang babae si Don Roman sa kanyang paghahanap ng tunay na pag-ibig.

Magbubunga ang limang relasyong ito ng limang anak na lalaki: si Isagani (Jake) na anak ni Don Roman sa kanyang unang pag-ibig na madadamay sa trahedya at mawawalay sa ama, si Joaquin (Diego) ang tanging anak na lalaki sa poder ng ama, si Matteo (Marco) na naging anak-anakan ng karibal ng mga Cardinal, si Connor (Joshua) na gustong ubusin ang yaman ng mga Cardinal, at si Lucas (Albie) na hindi alam na siya ay anak ng kanyang amo. Bagama’t magkakaiba ang kinalakihang buhay ng lima ay pagdudugtungin sila ng iisang dugo.

Tunghayan kung paano magsasanga-sanga ang kanilang mga buhay sa pagtuklas nila ng kanilang mga tunay na pagkatao.

Bongga ito dahil patigasan ng muscle, ng mukha, at akting ang mga bida, ha!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?