849

Oct 12, 2021 @ 22:24
By

Jake Cuenca na-trauma sa paghabol, pagbaril ng mga pulis

Inilahad ni Jake Cuenca ang dahilan kung bakit hindi agad siya huminto matapos umanong makabangga ng sasakyan ng mga pulis na nauwi sa habulan sa Mandaluyong, Sabado ng gabi.

Ani Jake sa panayam sa TV Patrol, papunta siya noon sa bahay ng kaibigang si Paulo Avelino.

Nasa isipan daw niya na hindi huminto dahil mga armadong sibilyan na walang marka ang sasakyan ang nagpara sa kanya.

Palaisipan din aniya sa kanya kung paano nangyari ang pagkabangga niya sa sasakyan ng mga pulis.

“Hindi ko naramdaman ‘yung sideswipe eh. Naguguluhan din kami kung saan nangyari ‘yung bangga. Kasi in my car there’s no paint from anywhere, there’s no damages in my car aside from the damages that was caused by the gunshots,” aniya.

Nakalma lamang daw siya nang makarinig ng sirena at makakita ng mga unipormadong pulis.

Hindi rin daw niya alam na siya ang hinuhuli ng mga ito at hindi ang mga sibilyan na nagpaputok sa kanya.

Nilinaw din ng aktor na hindi siya nakulong dahil sa nangyari at wala rin daw nabanggang tao. Handa naman daw siyang tulungan ang delivery rider na tinamaan ng ligaw na bala.

Samantala, nabawi na niya ang kanyang sasakyan pero sobrang na-trauma raw siya dahil sa dami ng tama ng bala na sinapit ng kanyang SUV, ang isa raw ay malapit pa sa tangke ng gasolina.

“It was very traumatizing. In the middle of the car chased, in the middle na hinahabol ako ng unmarked cars and pinagbababaril ako,” aniya.

Sinampahan na ng mga reklamong disobedience to a person in authority at reckless imprudence resulting in damage to property si Jake.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?