7,621
jak-roberto1
May 19, 2018 @ 17:59
By

Jak Roberto nagpakita ng ari sa concert

Enjoy na enjoy naman si Barbie Forteza na nasa harapan mismo ng stage nakaupo sa paggiling-giling naman ng tinaguriang Pambansang Abs na si Jak Roberto sa nasabing concert.

Tawa nang tawa ito nung nagmama-macho dancing ang kanyang dyowa habang nagsisigawan ang mga utaw. Para ngang sawang sumasayaw si Jak habang nakahubad din ito na mas lalong ikinaloka ng mga babae at bekis na nanonood sa kanila.

Lalo na nang maghubad ito ng kanyang pants at lumuwa ang isang pekeng malaking nota, aba, nabaliw talaga ang audience. Lalo na sa biglaang pagtanggal nito ng pantalon na akala ng lahat ay notes talaga ito ni Jak, marami ang tumulong laway na nabitin.

Hmmm, sabi ng isang beki sa audience, ‘Siguro nga ay waley talagang notes si Jak, kaya ganun na lang ang gimik nito’. Oh, well.

In fairness ang cute-cute ni Jak on stage lalo na kapag nagpapakyut ito kay Barbie na sinasabayan nang pangangantiyaw ng komedyanang si Gladys Guevarra.

At least napatunayan ni Jak na siya ay Jack of All Trades, noh! Singing, dancing and gyrating rolled into one. Chos!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?