24

Mar 5, 2021 @ 19:46
By

Jak Roberto macho na!

Tila may anim ng pandesal sa tiyan si Kapuso actor Jak Roberto. Nagpalaki kasi siya ng katawan para sa isang pelikula na kanyang pagbibidahan.

Kuwento ni Roberto, matagal na niyang pinagtatrabahuhan ang kanyang katawan lalo na nang mapili siyang kasama sa pelikulang “Laut.”

“Talagang pinaghandaan ko. Talagang sabi ko, ‘Kailangan mapansin ako dito. Kailangan ready ako and walang masasabi sa’kin ‘yung tao.’ Na ‘pag nakita nila [sasabihin nila] ‘Wow sino ‘yan? Ang ganda ng katawan’” wika ni Jak sa panayam ng GMA News.

Aniya, tamang diet ang susi para lumabas ang kanyang six-pack abs.

“So, by that time din nag-bulk up ako tapos nag-diet ako para mag-shred ‘yung muscle ko, dun lumabas ‘yung six-pack,” sambit niya.

Nagustuhan naman ng aktopr ang naging reaksyon ng mga netizen sa kanyang katawan.

“Ang sarap mag-selfie, ang sarap mag-post sa social media. Hindi ko naman alam na ‘yung mga Kapuso natin tsaka ang mga followers ko, magugustuhan nila,” hayag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?