15
jak-roberto
By

Jak hindi nagpatalo sa iyakan kay Glaiza

Sharing is caring!

Hindi nagpadaig at pinatunayan talaga ni Jak Roberto na kaya niyang makipagsabayan kay Glaiza de Castro pagdating sa acting sa kanilang high-rating Afternoon Prime soap na Contessa.

Sa nakaraang eksena kasi kung saan inamin na ni Bea (Glaiza) na siya at si Contessa ay iisa sa kaibigang si Jong (Jak), hindi mapigilan ang pagbuhos ng emosyon sa pagitan ng dalawa. Dahil dito, samu’t saring papuri ang nakuha ng binata para sa nasabing eksenang ito.

Para sa mga fan, hindi sila binigo ng idolo nila dahil sa sobrang pag-level up ng acting skills nito. Nangako naman ang marami na patuloy nilang tututukan ito lalo pa at mas intense na ang mga tagpo nina Daniella (Lauren Young) at Bea.

Ngayong alam na ni Jong ang katotohanan, ano na kaya ang gagawin niya para sa kaibigan? Tutok lang tuwing hapon sa Contessa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?