436
barbie-jak
Apr 6, 2018 @ 19:55
By

Jak binantayan ang nanay ni Barbie sa ospital

Dahil sa hindi matigil na pag-e-LBM, pinasok sa hospital ang nanay ni Barbie Forteza, si Mommy Amy, ilang araw pagkagaling nila sa bakasyon sa Coron, Palawan.

Pero kahapon naman, okey na rin si Mommy Amy at na-discharged na. Siyempre, ang boyfriend ni Barbie, si Jak Roberto, ang isa sa mga dumalaw kay Mommy Amy sa hospital.

Natawa nga si Mommy Amy dahil sobrang nag-alala raw para sa kanya ang boyfriend ni Barbie.

“Si Barbie kasi, relax lang. Hindi naman siya ‘yung tipong natataranta dahil sa nangyari sa akin. Si Jak ‘yung mas kinabahan. Masyadong nag-worry si Jak for me. Alam mo naman ang batang ‘yon, masyadong maalalahanin. Mabait talaga,” ang papuri ng nanay ni Barbie sa kanyang future son-in-law.

Hindi naman inililihim ng pamilya ni Barbie kung gaano kalapit sa kanila ang boyfriend ng anak.

Samantala, kung noon ay naintriga si Mommy Amy dahil lumabas na parang hindi siya pabor sa partnership ng anak kay Ken Chan, ngayon naman na kay Derrick Monasterio ipinapareha si Barbie ay mukhang wala namang problema kay Mommy Amy.

Suportado nga raw ni Mommy Amy ang pelikula nina Barbie at Derrick, ang Almost A Love Story, at ang nalalapit na primetime series ng dalawa sa GMA 7, ang Inday Will Always Love You.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?