109

Jun 24, 2021 @ 17:42
By

Jak, Barbie gusto na rin magpakasal

Gusto na nina Jak Roberto at Barbie Forteza na i-level up ang kanilang relasyon.

Sa part 2 ng vlog na “Questions We Never Asked Each Other”, sinagot nina Jak at Barbie ang huling tanong na, “Do you want to get married someday?”

Mabilis itong sinagot ni Jak ng, “Oo naman, sino bang hihindi?”

“Kahit pa anong wedding ‘yan, kahit na simple lang, kahit na talagang engrande or kahit saan,” dagdag niya.

“Feeling ko, ang marriage, isa siyang kasunduan na hindi n’yo magagawang sirain dahil una, walang divorce dito sa Pilipinas,” patuloy niya.

Napatawa naman si Barbie sa sagot ni Jak, “Bakit nasa divorce ka na? Nandun pa lang tayo sa ‘Do you want to get married someday?’ Nasa divorce na siya.”

Paliwanag ng aktor: ‘Yun nga, walang divorce dito sa ‘Pinas so hindi ‘yan parang ano, ano ‘yung kasabihan na ‘yun, hindi ‘yan parang mainit na kanin na puwede mong iluwa kapag napaso ka. Tama ba? Pero ganun, guys.”

Sabi naman ni Barbie, “I just want a simple wedding, intimate lang, ganyan, with close friends and family.”

“Basta sabi ko sa kanya, hindi naman importante sa akin kung papaano kami ikakasal, ang importante lang, makasal kami para lang alam mo ‘yun, mas secure kami,” patuloy niya.

Noong nakaraang buwan nag-celebrate ang dalawa ng kanilang fourth anniversary bilang magkasintahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?