88
Jaja ‘sinakop’ na ang Japan
Jan 7, 2020 @ 15:37
By

Jaja ‘sinakop’ na ang Japan

Muling nagpasiklab si volleyball star Jaja Santiago para sa koponan ng Saitama Ageo Medics nang manguna bilang top spiker sa Japan V. Premier League Star Conference.

Nitong Lunes, nanguna sa talaan si Santiago na may 49.10 percentage.

Nilagpasan ni Santiago ang ilang local at foreign players ng liga kagaya ni Japan national team player Kana Ono na may 48.8 percent para sa ikalawang pwesto.

Pangatlo si American player Andrea Drews na may 48.6 percent para ikatlong pwesto at Medics import Katarina Barun na nagtala ng 45.4 percent para sa ikaapat pwesto.

Kasalukuyang nasa Japan si Santiago bilang import kasama ang kapatid nitong si Dindin Santiago-Manabat na naglalaro naman para sa koponan ng Kurobe Aqua Fairies.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?