215

Mar 29, 2019 @ 17:01
By

Jaja Santiago salang na sa PSL Grand Prix 2019

Full force na muli ang Foton Tornadoes Blue Energy sa pagbabalik ni Jaja Santiago sa Philippine Superliga Grand Prix 2019.

Kinumpirma ni team manager at kapatid ni Santiago na si Diane Santiago ang balita via chat.

“Yes po, Jaja will play on Saturday,” ani Diane, kung saan makakatapat nila ang F2 Logistics Cargo Movers, 4pm Sabado, Marso 30 sa FilOil Flying V Center.

Una nang sumabak para sa Foton matapos ang kanyang Japan stint si Dindin Santiago-Manabat kaya naman aasahan na magpapasiklab ang Santiago sisters sa torneo.

Naglaro para sa Saitama Ageo Medics si Santiago sa Japanese V.League Division 1 at may average na 11.7 points per game.

Papalitan ni Santiago sa roster ng Foton si Genevieve Casugod kung saan hangad nilang makausad sa standings ng torneo.

Subalit hindi magiging madali ang misyon para sa Foton kung saan ay makakatapat nila ang nagbabalik na import para sa Cargo Movers na si 2017 PSL Grand Prix MVP MJ Perez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?