22

Mar 28, 2021 @ 8:55
By

Jaja Santiago record-breaker

Pasok sa Japan V Cup Division 1 finals ang Japanese club ni Jaja Santiago na Saitama Ageo Medics.

Tinalo ng grupo ang JT Marvelous sa semifinals noong Sabado, sa iskor na 25-21, 25-22, 18-25, 18-25, 15-13.

Dahil dito, si Santiago ang kauna-unahang Pinoy volleyball player na nakapasok sa finals ng liga sa ibang bansa.

Kakalabanin ng grupo nina Jaja ang NEC Red Rockets sa final game mamayang alas-3 ng hapon (PH time) sa Ota City General Gymnasium sa Tokyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?