34

Feb 13, 2021 @ 16:31
By

Jaja Santiago iwas sa ‘Pinas, gusto mamayagpag sa abroad

Sinabi ni National University star Jaja Santiago na marami siyang nilalakad na bansa kung saan gusto niyang maglaro kapag natapos na ang kontrata niya sa kasalukuyan niyang team na Saitama Ageo Medics sa Japan.

“May agent po ako, so siya po ‘yung nagwo-work sa akin abroad. So nag-send po siya ng profile ko sa Italy, Turkey, and China,” anang 25-anyos na manlalaro sa Philippine Sportswriters Association Forum.

Ani Santiago, tatapusin niya muna ang season niya sa naturang team bago gumawa ng desisyon sa kung ano man ang gagawin niya pagkatapos ng kontrata niya sa Marso.

“Gusto ko po muna tapusin ‘yung season ko dito bago pag-isipan lahat, kung may opportunity po na dadating,” wika nito.

Taong 2018 nang lumipad patungong Tokyo ang Foton star para sumanib sa kasalukuyan niyang koponan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?