201
jaja-santiago-foton
Sep 4, 2019 @ 15:59
By

Jaja Santiago, ‘di makakalaro sa SEA Games

Mababawasan ng puwersa ang Philippine women’s volleyball team na sasabak sa Southeast Asian Games nang hindi payagang makapaglaro ang isa sa pambato ng bansa sa larangan ng volleyball na si Jaja Santiago.

Gustuhin mang sumaklolo at mag-ambag ng score ng sikat na volleyball player ay malabo na itong mangyari pa dahil batay na rin sa nakalap na ulat sa Fox Sports Philippines ay hindi ito nakakuha ng clearance sa kanyang Japanese club team na Ageo Medics sa Jaoanese V. Premier League kaya napilitang tanggalin sa Sea Games ang 6-foot-5 player.

Kahit wala sa national team si Jaja ay siniguro naman nitong buong puso pa rin niyang susuportahan ang sariling koponan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?